NetworkedBlogs.com (beta) is an extension of the Facebook app NetworkedBlogs.

Ang Bagong Magandang Balita Biblia

 

Information

Blog Name: Ang Bagong Magandang Balita Biblia
Url: http://tipan.wordpress.com/
Language: English
Topics: bible, good, news
Description: Ang Gabi bago ipagdiwang ang ika-apatnapung pandaigdigang araw ng komunikasyon ay ninais kung simulan ang isang kaisipan para sa mas malawak na pagninilay ng banal na kasulatan sa daigdig ng internet. Ito ay mula sa isang pagninilay na aking napagtanto ang kawalan ng limbang na biblia sa wikang Filipino o Tagalog, na mula sa sipi ng Katoliko. May mga bibliya tayong makikita sa internet sa ibang wika ngunit hindi sa Filipino o Tagalog. Sang ayon sa aking pagsisiyasat ang National Bible Society ay maglalabas sa wikang Tagalog o Filipino sa internet mula sa sipi na kinikilala ng mga protestante. Ito ay isang personal na adhikain na nais kung simulan ang paglalagay ng sipi ng Banal na Kasulatan mula sa “Ang Bagong Magandang Balita Biblia” (Basic Ecclesial Community Bible). Kaakibat din nito ang ilang mga pagninilay at pag-aaral sa Banal na Kasulatan sang-ayon sa aking makakayanan bilang paring Katoliko. Bagama’t hindi naman ako sumasalungat ng Aral ng panampalatayang Katoliko, nais kung ipabatid na hindi ito ang opisyal na kaisipan ng Simbahang Katoliko. Ito ay sarili kung pagninilay na nagnanais na makatulong sa ating mga kababayan na makaunawa ng Banal na Kasulatan. Nais ko ring ipabatid na hindi ito lugar ng pagdedebate. Ang sinuman ay maaring magbigay ng kanyang kaisipan at damdamin sa makakristiyanong pamamaraan. Kung minsan nga ay nalulunkot ako dahil tayo mismong tinuturing nating mga Kristiyano ang ating sarili ang siyang nag-aaway. Ito ay hindi mensahe ng ating Panginoong Kristiyano. Kung talagang nagnanais nating saliksikin ang kalooban ng Diyos, hayaan natin ang kababaan ng kalooban. Hayaan ninyong sa maliit kung pamamaraan ay makapag-ambag din naman ako ng aking nalalaman at pagninilay na maaring makatulong sa sinumang nagnanais na makita ang tamang landas ng Kaligtasang dulot ng ating panginoong Hesu-Kristo. Ito ay ninais kung isulat sa wikang Filipino, dahil sa marami namang mga naisulat at mayayaman sa kahulugan at pag-aaral sa wikang Ingles. Katulad rin ninyo ako ay nagmumuni at patuloy na nag-aaral upang mapalalim ang ating pananampalayang Katoliko
Popularity: 2 Followers

Followers

This blog has 2 followers. Visit the blog page on Facebook to see who's following this blog.
Follow

Popular in:

Not enough data.
Calculated for blogs with 20+ followers.

Related Blogs

This site uses BitPixels previews
Questions? contact: networkedblogs@ninua.com
Copyright (C) 2008, Ninua, Inc.