I Miss My Dollies
Miss ko na ang mga dollies ko. Ilang linggo ko na rin silang hindi nahahawakan at napaglalaruan. Ilang linggo ko na silang hindi nagagawan ng damit. Dumating na nga si Lovely, hindi ko pa siya naaayos. Hindi pa ako naka-order ng bagong mata, hindi pa ako nakabili ng bagong eyelashes at hindi ko pa naaalis ang oiliness ng fez. Kakaawa naman…
Matagal na nga akong hindi nakakakuha ng mga bagong pictures nila. Busi-busihan kasi aketch. Gumawa ng kurtina (karir yun, ha!). Gumagawa ng throw pillow. Nag-reresearch ng kung ano ang gagawin ko sa kauna-unahan naming Christmas tree ni Bossing. (Jewel-toned ba? Fairies ba? Angels ba? O maski-paps na lang kasi d
Para Sa Isang Nagdaang Pag-ibig
Hindi naman ako kagandahan. Pero hindi ko rin naman masasabing dyongitera ang lola nyo. Nagkaroon naman ako ng mga manliligaw nung nasa grade school at high school. Nagkaroon pa nga ako ng dalawang kaboyprenan nung 3rd year at 4th year ko. Sinamang palad na yung aking puppy love nung 4th year ako, nakipag-break sa akin kasi nga, strict ang feyrents ko. Pero nung panahong nag-aral ako sa USTe, eh talagang hindi ako pinapansin ng mga hombre dun kasi ang type ng mga type ko, mga mestisahin. Eh hamak akong kayumangging hilaw – as in manilaw-nilaw ang kulay. Alanganing maputi, alanganing morena, alanganin… period. Hindi umubra ang bertud ko sa kanilang lahat.
‘Di Na Natuto
Apo Jim, pagamit lang sandali ng title ng kantang sinulat mo para kay Pareng Gary.
Di ko na lang kasi maintindihan, eh. Siguro nga, ang Pinoy likas na makakalimutin. In a way, minsan, maganda yan. May mga kasalanan sa atin na talagang napatawad na at kinalimutan na. Ikanga, bawal maging magsasaka (kasi ang magsasaka, mapagtanim… ok?)
Kaya lang minsan iniisip ko rin, detrimental din sa atin, eh. Tulad na lang sa pulitika, parang lahat ng pinaglaban natin sa EDSA Uno nawala at nabaon na lang sa limot. Kasi tingnan nyo naman kung sino na ang mga nakaupo sa gobyerno. Mas malala pa ang korapsyon ngayon kesa n
Bawal Magreklamo!
May K ba akong magreklamo ng kahit na ano tungkol sa buhay eh andito ako – may bahay, may trabaho, may kinakain, may sinusuot, hindi binabagyo, hindi nilalamig…
May K ba akong maghinagpis eh andito ako – kumpleto ang mga kamag-anak at mahal sa buhay, mga magseselebrate ng birthday, ng anniversary, ng binyag, ng kasal… walang ililibing.
May K ba akong huminga ng malalim samantalang ano man ang problema ko ngayon, ga-ano lang yun, kumpara sa problema ng mga taong nasalanta ni Ondoy at Pepeng…
Wala…
Kaya hindi muna ako magmamaldita kahit na kanino o kahit na sa anumang bagay. Hindi pa ako tapos magdasal ng pasasalamat na ok
Nagalit na si Papa!
And a comment on my blog. Hindi pa po tapos ang kalamidad… sana po tumulong pa po tayo sa mga kapatid natin sa Pilipinas…
Help the Philippines Weather the Storm
Hi,
We’re reaching out to all the bloggers who talk about the Philippines in an urgent appeal for them to tell their readers about the disaster that transformed the country this weekend.
The torrential rains that pounded the Philippines, has resulted in more than 1.8 million people being immediately affected.
We, the UN World Food Programme, has identified at least 178 000 families in need of immediate food aid.